Maximum Capacity

Published by

on

Tunog ng mahinhin na halakhak, boses ng magkasintahang nagsisimula pa lamang kilalanin ang isa’t isa; batid ng dalagang nakangiti, “Yeah, like I remember when we met, I was so shy talaga.” Samantala, ang binatang kumikinang ang mga mata, nakatitig at taimtim na nakikinig. Ah, ang pag-ibig nga naman, kay tamis nang panimula.

Sa bandang kanan ng dalawang kabatang nagsusuyuan, mayroong isang babaeng nakaupo at nagsusulat. Subalit, bakit ganoon? Tila hindi papel ang kanyang sinusulatan. Bagong gadyet nanaman ba iyan? Hay, sana nag-aaral siya nang mabuti.

“Hoy, Dong! Tara na! Oras na.”

Isinara ko na ang takip ng Cobra energy drink at tsaka itinapon sa itim na basurahan sa gilid ng napakalawak na bintanang gawa sa napakalinaw na salamin, kung saan isang oras na akong nakatayo, nakasulyap, nagmamasid.

“Eto na!”

JUANDLC TAXI

LTFRB 24/7 Hotline

Manila to any pt. in Luzon

Max. Pass. Capacity 5

Leave a comment